« Post-mortem: Cubao, 2007 | Main | Overlooking »

This is a war in Mars

Holdaper
(matapos panoorin si Kooky Tuason)

Totoo ang mga bagay na ito:
una, maglalakad ka, parang
bida sa pelikula --
pusturang-pustura, tapos,
may patalim na tutusok
sa likod mo. Sabay banta:
"Akin na ang selpon mo."
Kukunin mo ang selpon
at ibibigay sa kanya,
sabay sipa sa yagbols niya.
Wala kang pakialam sa dilim.
Hindi ka niya makikita,
o ng punyal niya. Sisigaw ka,
"Magnanakaw, magnanakaw",
at kukuyugin siya
ng mga nagtitinda, mga nabiktima,
mga tatawid na sana sa kalsada,
nakapila sa sakayan ng dyip,
at mata lang ang walang latay
sa kanya. Walang third eye - third eye
sa tunay na buhay.

Comments

Post a comment

Post a comment

Name:

You are currently signed in as .